Wednesday, July 06, 2005

naruto movie review....

at last, napanood ko na rin ang movie ng naruto! ha! may lamang na ako sa inyong lahat! hmm, hindi ko alam kung pano sisimulan tong review na ito, basta type ko na lng kung anong pumasok sa utak ko...

title: the big mission to rescue the snow princess
as expected sa isang episode ng naruto, give away lagi ang title... need to say more?

characters:mmm... syempre si naruto, sasuke, kakashi, sakura, ung snow princess (may pangalan sya nakalimutan ko lng) ung kalaban si dotou plus ung 3 nyang walang kwentang ninja (wala talagang kwenta, ni hindi man lang binanggit mga pangalan nila), mangilangngilang extra na pumapapel na isang movie crew... bkit kanyo may movie crew?

story: may movie crew kasi ung princess (fuun ung character name, yukie ung screen name, koyuki sa totoong buhay) artista sya sa simula. tapos mission nila naruto na protektahan sya dun sa susunod na location ng shooting nila, sa snow country... eh biglang may tinatagong lihim pla itong princess na ito ayun, nagpangabot ang labanan sa snow country. ang sikreto ni princess? well isa syang totoong princess, anak sya ng hari ng country na yun (mmm may mga hari pala ang mga shinobi countries, malakas kaya ung mga yun? eh ano kaya ang mga kage kung may hari pa?). ngayon tito nya si dotou, nagrevolt pinatalsik ang kapatid nya kasi gahaman siya (ano pa nga ba?) sinunog ung castle akala ng mga tao dun namatay pati si princess, un pala mission ni kakashi noong anbu pa sya na iligtas sila kaya nadala niya si princess sa fire country. ayun kaya pamilyar si kakashi kina dotou at ska sa mga tauhan niya... tpos blah blah blah... alam na natin kasunod, gulpi ang kalaban, panalo si naruto, naging princess ulit si princess end of story.

notable points:
1.well, naliwanagan ako tungkol dun sa laro (narutimate hero 2) yun pala si dotou at ung ninja na walang kwenta...
2.d2 rin pla unang lumabas ang anbu kakashi, kaya pla andun din sya sa laro...
3.may ninja armor na ginawa sina dotou na humihigop din ng chakra, parang ung espada ni kisame ng akatsuki....
4.hindi ako sure kung kelan sa storya nangyari to, kasi nagrasengan na d2 si naruto, eh alam naman nating lahat na unang nakita ni sasuke ang rasengan nung naglaban sila sa rooftop, so safe na iassume na before pa ito ng abduction kay sasuke...
5.2x ginamit ni kakashi ung jutsu ni zabusa d2 na water dragon, ewan ko kung bakit madami namang pwedeng gayahin bakit un pa....
6.nagdouble chidori dito si sasuke, meaning kaliwa at kanang kamay, kaya siguro nawalan siya ng malay at hindi nakita ang rasengan ni naruto (na lagi namang nangyayari)
7.wala pa ring kwenta si sakura...

ayun, sa mga interesado panoorin ung movie (alam kung marami dyan) order kayo ng cd hehehe! sa mga taong alam na ang gagawin, alam na nila yun...

im out....

3 Comments:

Blogger yomz said...

ok tong pelikulang to kahit sandali lang. pero mas makulit pa rin ung natatae sya.

bakit kaya may kulay ang rasengan ni Naruto? baka rainbox fox talaga ung nasa bituka nya at hindi red fox? haha

ang hirap isipin kung san nila siningit ung pelikula. pero baka nga before nung abduction o kaya pinayagan muna ni orochimaru si sasuke gumawa ng pelikula. pero bakit wala ung bulutong ni sasuke sa movie? hmm... ewan ko.

5:50 AM  
Blogger jan-michael vincent b. taylo said...

actually, kaya daw naging rainbow rasengan un dahil daw dun sa mga yelong nakapaligid sa aknial... basta may mga light property na naganap...

andun ung bulutong ni sasuke... may part dun na pinakita...

the best nga ung sports festival na trailer... kelan kaya tyo makakakuha ng buo nun?!

4:43 PM  
Blogger yomz said...

yun na yata ung buong sports festival eh. maikli lang tlaga.

may advent children na daw na kumakalat?

5:54 PM  

Post a Comment

<< Home