Sunday, May 14, 2006

PUTCHA!!!

Free Image Hosting at www.ImageShack.us
putcha! tanaw pala taal dito?

hanggang ngayon natatawa pa rin ako... di ko malilimutan ang sobrang laugh trip na swimming na to... san ka pa? sobrang lamig na nga sa talisay, may bagyong caloy pa, tinuloy pa rin ang swimming! di ko yata mabilang kung ilang mura ang inabot ng swimming pool na yun sa sobrang lamig! at ang pinaka the best... tanaw ang taal!

sarap din ng inuman that night, buti na lng at nakaiwas tayo lahat sa trouble at nagsiuwian na tayo bago magkagulo (kung magkakaroon man) bad trip nga lang at meron pa atang gustong kumanta at uminom pa! kaso ganun eh, di tayo tagadoon...

nakakatawa rin ang madaling araw, suka galore! hahahaha! muntik pa magsabunutan yung dalawang tagahirm hahaha! sana may natutunan kayong dalawa ha, wag kayo uminom ng kasama ang iba, baka mapaghigantihan kayo!

salamat sa ating host na si anj (clap clap clap) sa pagtitiis sa kakulitan namin at katakawan... wag masyado madepress sa buhay, easy lang, hindi magulo ang buhay mo tulad ng inaakala mo... go new world!

at bilang pagwawakas, putcha! kita tanaw pala ang taal dito!

Friday, May 05, 2006

Short Story

oo, short story lng muna... medyo naging busy ang buong 2 weeks na nakaraan, kaya kahit gusto kong mag update ng amdalas dito sa blog na ito.... di ko magawa!

bangitin ko muna yung past weekend! whoah! grabe yun! 3 araw ng buhay baboy (thanks jown for the term) sarap ng pagkain, sarap ng toma, at higit sa lahat, sarap ng samahan (drama! hahaha) anyway, congrats kay marian at graduate na siya, dont worry too much, mkkhanap ka rin ng trabaho na gusto mo!

next, summer job ko... hindi pa tumawag ulit eh, pero sana sa monday makapagsimula na ako... sayang din yun, ska nababato na rin ako sa bahay, wala magawa at higit sa lahat sobrang init!!! sana talaga matuloy din, sayang pera hehehe!

ganda rin pala ng silent hill the best game to movie adaption! hindi ako nadisappoint lahat ng elements ng laro andun na! at sa tingin ko, wala na siayng part 2... kung meron man ibang storya na, di na itutuloy ang kwento ni sharon at rose... 9/10 solid!

ooops! next week naman kina anj sa batangas sana magkitakita ulit tayo dun! wala sana ulit KJ ha... kung sasama, sumama kung ayaw, sabihin agad, wag ng magdahilan hehehe.... cge next week ulit! palitan ko yung video, for whom the bell tolls ng metallica... astig yan! panoorin niyo yung intro ng bass sobrang bangis! cge yun lng....


Tuesday, April 18, 2006

woot! new post as promised!

bago ang lahat... sino ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng "woot! " ? sound effects ba to ng ano? ano ang ibig sabihin nun? parang feeling ko ginagamit siya kapag masaya ka or kapag nagch-cheer ka... ano nga ba ung woot? pakisagot lang pls...

alas-singko ng madaling araw hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na topic sa post na ito... ano nga ba? kanina pa ako nagninilay nilay sa harapan ng monitor ng pc ko tungkol sa kung anong magandang topic ang dapat kong gawan ng post... sisilip dapat ako sa blog ni yomz kaso ewan ko ba itong blogspot, bakit aprang laging nagloloko sa akin... laging hindi siya makacnnect sa server at laging page not found... dapat ilang beses ko irefresh yung page bago lumitaw.... ayan hanggang ngayon loading pa rin ang page ni yomz....

haaay, wala pa rin... isip isip isip.... ano nga ba dapat? sabi ni marian maganda daw siguro kung maging writer ako ala bob ong, sabi niya kasi yung mga naiisip ko daw parang kaparehas niya eh, ni bob ong, ewan ko ba, isang libro pa lang naman ang nababasa ko na sinulat niya, dinaanan pa, bakit naman nasabi ni marian na parehas kami magisip... at kung maging writer kaya ako magiging successful din kaya tulad niya? ngayon nga lang sa blog hindi ako makaisip ng isusulat eh, gumawa pa kaya ng libro? saka mahina rin ako sa grammar, sa spelling din, kahit nga mga tagalog words naiilang ako minsan, parang hindi tama... tapos pag nagtype pa ako, ang daming mali... madalas na tytype ko muna ung vowel bago ung consonant parang ung "mga" nagiging "gma" minsan yan sa mga post ko sa forums sa pogz.net sa lahat.... ang sama pa naman basahin G - M - A??? OMGWTFLOLLZZZ!!!!!ELEVEN!!!!11111111

anak ng... hanggang ngayon wala pa rin yung page ni yomz? bwisit na server to...

ayun may naisip ako, yung tungkol na muna dun sa nilagay kong video sa taas... astig dba? kahit kayo pwede niyo gawin yan! punta lang kayo sa youtube.com hanap kayong video na gusto niyo, hanapin niyo ung code sa baba ng vid, paste niyo sa source ng page niyo, tapos ayus! medyo nahirapan nga lang ako kung saan siya ilalagay dun sa code dahil hindi ko naman maintindihan ung gma yun, nanghula lang ako kung saan siya dapat (anak ng... luamabas nanaman ung "gma!")

ayun lumabas na yung page ni yomz! mmm... teka, huli niyang post tungkol dun sa surprise birthday party! haha! mukha namang nasurprise ka kahit hindi, pero bilib din talaga ako sa pagkakataon, kung kelan hinihintay ka saka naman naflat ang tire ng sinasakyan mo... sabi mo nga kahit ba naman sa sarili mong bday party late ka? OMGWTFLOLLZZZ!!!!!ELEVEN!!!!11111111

teka ano ba itatalakay ko yung wolfgang o kung ano na lang nangyari sa buhay ko ngayong past days... naalala ko yung sabi ko kay anj kanina sa ym, magpopsot ako tungkol kay *toot* mwahahahahaha! anj, hindi ka masama, kung masama ka na sa tingin mo mas masama ako mwahahahaha! ok lang yun parte ng buhay! hindi ko na lang isisiwalat sa mundo mga naiisip ko tungkol sa topic na yan, baka hindi ako matapos dito wakokok!

ah yung wolfgang siguro next time na lang, kapagnagdiscuss na ako ng mga banda na dapat pakinggan (di tulad ng hale cueshe etc etc) yung mga may meaning ba ang kanta... hindi puro tungkol sa sawing pag-ibig, mga pagkakataong hindi nilubos, mga pangiiwan, mga panunulot, at kung ano-ano pang naiisip nilang kantahin tungkol sa pagibig na sawi... ewan ko ba kung bakit tuwang tuwa sila dyan... preview pa lang yan, sa susunod promise tadtarin ko yang mga yan...

ayun, OMGWTFLOLLZZZ!!!!!ELEVEN!!!!11111111 na yan... lagi ko ng nakikita yan eh, sa mga forums, siguro inaalaska nila yung mga "jologs" na lipana sa net... pati mga ugali nila dinadala sa virtual na mundo... hay, kelan kaya maiaangat ang masa? ika nga sa kanta ng eraserheads na para sa masa, may line dun "pinilit kong iahon ka, ngunit ayaw mo namang sumama" kelan ba kayo sasama? kelan ba kayo titingin sa salamin at titignan ang sarili niyo? hay, buhay....

hala, 530 na hanggang ngayon wala pa rin akong nasisimulang topic... mmm... mahaba na rin pala nasulat ko, puro panimula wala namang mga arguments... siguro yun na lang muna, preview lang nga siguro ng mga gusto kong idiscuss in the near future (pero sa totoo lng, tinype ko lng lahat ng pumasok sa utak ko, di ko plano na ganito kalalabasan nito ) ayun tama DotA pa pala, malamang lang didiscuss ko din yan hehehe... ano pa ba? (nagugutom na ako.... gusto ko na kumain...) ano nga kaya magandang style sa pagsusulat? dapat meron akong sariling style para astig! bago ko malimutan, papalitan ko pala yung vids every now and then, wala lang depende sa trip.... bahala na... sige yun lang muna... sana medyo may napala kayo sa pagbasa nito at sana bumalik pa kayo ulit para magbasa ng mga idea... yun lang...




Monday, April 17, 2006

try kong buhayin ulit ito...

wala ako magawa eh... di naman ako inaantok... so pinaglaruan ko yung youtube.com at kita niyo naman ang resulta dba? wolfgang arise.... astig! yun lng muna... mwahahaha!

Monday, October 03, 2005

Don't you wish you were me?

DO U WANNA BE ME?

I see the way you look at me
You envy me and it's killing you, eating you alive
And you know it makes me smile when I look in the mirror
Thinkin' how good it is to be king

CHORUS:
And don't you wish you were me?
The king of all you see
Don't you wish you were me?
It ain't that easy
Don't think you'll ever be,
Everything a man should be
Cause Don't you wish you were me?
Keep dreamin, you'll never be me!

Too soon, you'll be a memory
Just illusion, there for all to see (forever)
And sometimes it makes me laugh when
I see your reaction
Knowing that I've become mighty

CHORUS

Inside my mind there is a freak
That drives me on past all defeat
You'll never have, you can't instill
The power of my iron will

CHORUS

The King of all you see
it ain't that easy
everything a man should be
keep dreamin, you'll never be me!

Thursday, September 29, 2005

MU experience

after two weeks ng pagaadik... level 100 na rin ang dark knight ko! salamat naman! after ng exam week itutuloy ko na ang pagaadik at sna makagawa na ako ng magic gladiator...

ang armor ko ngayon: dragon helm +3, dragon armor+3 dragon pants +5, dragon boots+5, dragon gauntlets +3 weapon of choice: crystal sword +3 slashing skill and twisting slash skill +luck...

sarap magMU... ewan ko ba kung bakit mas naenjoy ko ito kaysa sa tantra... nakagawa rin naman ako ng 56 na garuda dun.. kaso ewan ko ba... siguro nainip lng ako dun dahil mabagal maglevel... pero ang pinakadahilan ko talaga ngayon eh ung lag nawala sa MU... dati kasi sa tantra... kahit madaling araw naglalag pa rin... kailangan kong magrecon every hour para lang tumino ang connection at mawala ang lag... pero ngayon sa MU walang lag.. kahit todo pa ang resolution ko... ok lng... feeling ko tuloy sobrang ganda ng pc ko... hehehe.. mamaw ba... pero siguro dahil un sa hindi siya full-3d di tulad ng tantra.. pero talagang ung lag ang nawala kaya mas naeenjoy ko ngayon itong MU...

pero may bad trip eh... sa guild na sinalihan ko... wala man lang kumakausap sa akin... ni mamansin nga wala eh... kahit ang dami nilang OL wala man lng sumasagot pag nagtatanong ka... ewan ko ba... un siguro ang mamimiss ko sa tantra... hindi ung laro... hindi ung gamit namin... hindi rin ung mga skills... kundi ung -=LIBERI FATALI=-

sarap dito sa guild na ito... kung hindi lng siguro nagkatamaran at nawalan ng gana... bka buo pa rin ang guild na ito... sayang dami pa namang naging "kaibigan" dun... kaso ganun eh... ika nga ni allain ganyan ang buhay MMORPG... pag nawala ang guild parang namatayan ka.... hehehe...

siguro sa iba light lang ang pagtingin sa mga ganitong bagay... pero iba talaga eh... kahit hindi mo nakikita mga kasama mo sa laro... parang andyan lng sa tabi mo... parang matagal na kayong magkakakilala... ewan ko pero yan ung experience ko sa tantra...

siguro pag naging 150 na ako sa MU at pwede na akong maging guild master... gagawa siguro ako ng -=LIBERI FATALI=- sa MU... siyempre ipapaalam ko muna kay allain at kenneth pero kasama ko naman si kenneth so bakit hindi diba? sasali ko na rin si je at ung kapatid niya para may founding members na... 2DK at 2DW....

naubusan na ako ng sasabihin... hehehe.... next time na lng ulit ako magkkwento sa MU pag medyp malakas lakas na... level 100 simula pa lng yan... may 300 levels pa... hehehe... sige un lng muna.... visit sa forums...


Monday, September 26, 2005

no players available....

siguro masyadong busy ang mga tao ngayon... kanina pa ako andito wala man lamang nagOL bukod sa aming 2 ni yomz... hehe.. malapit na kasi matapos ang sem na ito... siang linggo na lng... then mga two weeks ang finals week.... tapos BAKASYON NA! woohoo!

san ba magandang mag relax? sabi nila sa hidden valley daw.... sa laguna banda kaso hidden kasi hindi makita kita hanggang ngayon... kelan ba mahahanap un?! ung sa retreat house naman ok... mura at malapit lng din... kaso lang toma! hehehe! sasakit lalo atay ng gma tao niyan! hehehe! eh kung sa tagaytay kaya? or sa baguio? or hell sa cebu? (kaso ayaw ko sa cebu, baka maginit lalo dugo ko kay gloria)... mmm... sana matapos na ang sem para happy happy na ulit!

may mga exam ako eh... kaso hindi ko pa alam kung kelan ako magaaral... ang feel ko kasi sa exam hindi dapat pinagaaralan... alam nyo un? dapat pumasok na sa utak mo kung ano ung mga tinuro! kasi ganun naman tlga sa totoong buhay eh... hindi mo kailangan ng libro pag nagtratrabaho ka na... gagawin mo lng kung ano ung natutunan mo... siguro kung magrereview dapat ung light lng... hindi ung tipong magpupuyat ka para ma memorize lahat ng nsa libro... hindi ka lng mkktulog ng maayos nun at siguradong hindi tatakbo ng maayos ang utak mo....

kaya eto ako ngayon... pa easy easy lng... kaso hindi naman enjoy gaano kasi wala namang makausap sa net... wala ring makalaro sa dota... pano ba naman itong si kenx natulog nanaman agad! usapan namin magdota kami ngayon eh... ang labo tlga nun...

gusto kung ayusin ung forums eh... kaso wala ako sa mood ngayon... siguro next time na lng... ngayn ko lng narealize 54 na pla ang tao dun... hehehe... cant wait for sembreak tlga... siguradong uusok ang forums na un pag wala ng ginagawa ang mga tao... hehehe

para sa tunay na lalakeng kumakain ng kwan..... wala lng.... swabe at mabango.... wala akong matype eh... astig tlga astro hehehe.... hanggang ngayon sarap pa rin pakinggan... hindi tulad ng mga taong hindi tlga inaapreciate ang mga kanta ngunit nagpapadala lng sa agos ng ilog... naisip ko nanaman ung cueshe na yan at hale... ang sakit sa ulo... buti naman at nagffade na sila at naglalaho na sa himpapawid at mukhang pinagsawaan na ng mga tao... akala mo kung sinong magaling na banda... eh hindi nga ata nila alam ang ibig saihin ng rock and roll eh...

pero alam niyo, naaawa rin ako at "sumikat" sila... alam niyo kung bakit... eh naging target sila ng mga pirata at pinatay ang albums nila... siyempre ung mga "fans" nila hindi naman lahat mayayaman... ni cassette walang pangbili... so ano ang choice nila... maglbas ng 35 pesos at bumili sa suking pirata... at ang ending imbis na suportahan ang kanilang musika... ayun pinatay pa ng mga "fans" nila... hirap tlga pag pumasok ka sa mainstream... napipirata ka agad... buti na lng PNE hindi ganun ang kinahantungan... eh sa mga tao ba ngayon... ung sa mga "ROCKER" naalala niyo pa ba ang LINKIN PARK NIYO! eh dati dati para kayong mga hilaw na patatas kakarap ng in the end... eh ngayon mukhang binaon niyo na sa limot ang grupong ito kasama ang n'sync at ung mga dati pang boy band na "pinasikat" niyo rin! mga anak kayo ng kamoteng ni-reject maging kamote-q!

ika nga ni pepe smith... ang rock en roll kanya kanya yan... kung hard rock ka.. magbato ka... kung metal rock ka kumain ka ng riles ng tren... pero ang mahalaga nasa puso mo ung kanta... alam mo kung ano ang sinasabi ng kanta... yan ang dapat matutunan ng mga "rocker" na yan...

aba nagOL si anj.... ayun may mga tao na rin sa forums... magppost na yang mga yan... hehehe... cge un muna... bukas try ko ulit magpost... balak ko kasing araw-arawin ang blog na ito para hindi naman sayang sa space... nkkhiya naman sa blogspot... hehehe cge bukas ulit! bisita sa forums!