Monday, September 26, 2005

no players available....

siguro masyadong busy ang mga tao ngayon... kanina pa ako andito wala man lamang nagOL bukod sa aming 2 ni yomz... hehe.. malapit na kasi matapos ang sem na ito... siang linggo na lng... then mga two weeks ang finals week.... tapos BAKASYON NA! woohoo!

san ba magandang mag relax? sabi nila sa hidden valley daw.... sa laguna banda kaso hidden kasi hindi makita kita hanggang ngayon... kelan ba mahahanap un?! ung sa retreat house naman ok... mura at malapit lng din... kaso lang toma! hehehe! sasakit lalo atay ng gma tao niyan! hehehe! eh kung sa tagaytay kaya? or sa baguio? or hell sa cebu? (kaso ayaw ko sa cebu, baka maginit lalo dugo ko kay gloria)... mmm... sana matapos na ang sem para happy happy na ulit!

may mga exam ako eh... kaso hindi ko pa alam kung kelan ako magaaral... ang feel ko kasi sa exam hindi dapat pinagaaralan... alam nyo un? dapat pumasok na sa utak mo kung ano ung mga tinuro! kasi ganun naman tlga sa totoong buhay eh... hindi mo kailangan ng libro pag nagtratrabaho ka na... gagawin mo lng kung ano ung natutunan mo... siguro kung magrereview dapat ung light lng... hindi ung tipong magpupuyat ka para ma memorize lahat ng nsa libro... hindi ka lng mkktulog ng maayos nun at siguradong hindi tatakbo ng maayos ang utak mo....

kaya eto ako ngayon... pa easy easy lng... kaso hindi naman enjoy gaano kasi wala namang makausap sa net... wala ring makalaro sa dota... pano ba naman itong si kenx natulog nanaman agad! usapan namin magdota kami ngayon eh... ang labo tlga nun...

gusto kung ayusin ung forums eh... kaso wala ako sa mood ngayon... siguro next time na lng... ngayn ko lng narealize 54 na pla ang tao dun... hehehe... cant wait for sembreak tlga... siguradong uusok ang forums na un pag wala ng ginagawa ang mga tao... hehehe

para sa tunay na lalakeng kumakain ng kwan..... wala lng.... swabe at mabango.... wala akong matype eh... astig tlga astro hehehe.... hanggang ngayon sarap pa rin pakinggan... hindi tulad ng mga taong hindi tlga inaapreciate ang mga kanta ngunit nagpapadala lng sa agos ng ilog... naisip ko nanaman ung cueshe na yan at hale... ang sakit sa ulo... buti naman at nagffade na sila at naglalaho na sa himpapawid at mukhang pinagsawaan na ng mga tao... akala mo kung sinong magaling na banda... eh hindi nga ata nila alam ang ibig saihin ng rock and roll eh...

pero alam niyo, naaawa rin ako at "sumikat" sila... alam niyo kung bakit... eh naging target sila ng mga pirata at pinatay ang albums nila... siyempre ung mga "fans" nila hindi naman lahat mayayaman... ni cassette walang pangbili... so ano ang choice nila... maglbas ng 35 pesos at bumili sa suking pirata... at ang ending imbis na suportahan ang kanilang musika... ayun pinatay pa ng mga "fans" nila... hirap tlga pag pumasok ka sa mainstream... napipirata ka agad... buti na lng PNE hindi ganun ang kinahantungan... eh sa mga tao ba ngayon... ung sa mga "ROCKER" naalala niyo pa ba ang LINKIN PARK NIYO! eh dati dati para kayong mga hilaw na patatas kakarap ng in the end... eh ngayon mukhang binaon niyo na sa limot ang grupong ito kasama ang n'sync at ung mga dati pang boy band na "pinasikat" niyo rin! mga anak kayo ng kamoteng ni-reject maging kamote-q!

ika nga ni pepe smith... ang rock en roll kanya kanya yan... kung hard rock ka.. magbato ka... kung metal rock ka kumain ka ng riles ng tren... pero ang mahalaga nasa puso mo ung kanta... alam mo kung ano ang sinasabi ng kanta... yan ang dapat matutunan ng mga "rocker" na yan...

aba nagOL si anj.... ayun may mga tao na rin sa forums... magppost na yang mga yan... hehehe... cge un muna... bukas try ko ulit magpost... balak ko kasing araw-arawin ang blog na ito para hindi naman sayang sa space... nkkhiya naman sa blogspot... hehehe cge bukas ulit! bisita sa forums!


0 Comments:

Post a Comment

<< Home