Tuesday, April 18, 2006

woot! new post as promised!

bago ang lahat... sino ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng "woot! " ? sound effects ba to ng ano? ano ang ibig sabihin nun? parang feeling ko ginagamit siya kapag masaya ka or kapag nagch-cheer ka... ano nga ba ung woot? pakisagot lang pls...

alas-singko ng madaling araw hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na topic sa post na ito... ano nga ba? kanina pa ako nagninilay nilay sa harapan ng monitor ng pc ko tungkol sa kung anong magandang topic ang dapat kong gawan ng post... sisilip dapat ako sa blog ni yomz kaso ewan ko ba itong blogspot, bakit aprang laging nagloloko sa akin... laging hindi siya makacnnect sa server at laging page not found... dapat ilang beses ko irefresh yung page bago lumitaw.... ayan hanggang ngayon loading pa rin ang page ni yomz....

haaay, wala pa rin... isip isip isip.... ano nga ba dapat? sabi ni marian maganda daw siguro kung maging writer ako ala bob ong, sabi niya kasi yung mga naiisip ko daw parang kaparehas niya eh, ni bob ong, ewan ko ba, isang libro pa lang naman ang nababasa ko na sinulat niya, dinaanan pa, bakit naman nasabi ni marian na parehas kami magisip... at kung maging writer kaya ako magiging successful din kaya tulad niya? ngayon nga lang sa blog hindi ako makaisip ng isusulat eh, gumawa pa kaya ng libro? saka mahina rin ako sa grammar, sa spelling din, kahit nga mga tagalog words naiilang ako minsan, parang hindi tama... tapos pag nagtype pa ako, ang daming mali... madalas na tytype ko muna ung vowel bago ung consonant parang ung "mga" nagiging "gma" minsan yan sa mga post ko sa forums sa pogz.net sa lahat.... ang sama pa naman basahin G - M - A??? OMGWTFLOLLZZZ!!!!!ELEVEN!!!!11111111

anak ng... hanggang ngayon wala pa rin yung page ni yomz? bwisit na server to...

ayun may naisip ako, yung tungkol na muna dun sa nilagay kong video sa taas... astig dba? kahit kayo pwede niyo gawin yan! punta lang kayo sa youtube.com hanap kayong video na gusto niyo, hanapin niyo ung code sa baba ng vid, paste niyo sa source ng page niyo, tapos ayus! medyo nahirapan nga lang ako kung saan siya ilalagay dun sa code dahil hindi ko naman maintindihan ung gma yun, nanghula lang ako kung saan siya dapat (anak ng... luamabas nanaman ung "gma!")

ayun lumabas na yung page ni yomz! mmm... teka, huli niyang post tungkol dun sa surprise birthday party! haha! mukha namang nasurprise ka kahit hindi, pero bilib din talaga ako sa pagkakataon, kung kelan hinihintay ka saka naman naflat ang tire ng sinasakyan mo... sabi mo nga kahit ba naman sa sarili mong bday party late ka? OMGWTFLOLLZZZ!!!!!ELEVEN!!!!11111111

teka ano ba itatalakay ko yung wolfgang o kung ano na lang nangyari sa buhay ko ngayong past days... naalala ko yung sabi ko kay anj kanina sa ym, magpopsot ako tungkol kay *toot* mwahahahahaha! anj, hindi ka masama, kung masama ka na sa tingin mo mas masama ako mwahahahaha! ok lang yun parte ng buhay! hindi ko na lang isisiwalat sa mundo mga naiisip ko tungkol sa topic na yan, baka hindi ako matapos dito wakokok!

ah yung wolfgang siguro next time na lang, kapagnagdiscuss na ako ng mga banda na dapat pakinggan (di tulad ng hale cueshe etc etc) yung mga may meaning ba ang kanta... hindi puro tungkol sa sawing pag-ibig, mga pagkakataong hindi nilubos, mga pangiiwan, mga panunulot, at kung ano-ano pang naiisip nilang kantahin tungkol sa pagibig na sawi... ewan ko ba kung bakit tuwang tuwa sila dyan... preview pa lang yan, sa susunod promise tadtarin ko yang mga yan...

ayun, OMGWTFLOLLZZZ!!!!!ELEVEN!!!!11111111 na yan... lagi ko ng nakikita yan eh, sa mga forums, siguro inaalaska nila yung mga "jologs" na lipana sa net... pati mga ugali nila dinadala sa virtual na mundo... hay, kelan kaya maiaangat ang masa? ika nga sa kanta ng eraserheads na para sa masa, may line dun "pinilit kong iahon ka, ngunit ayaw mo namang sumama" kelan ba kayo sasama? kelan ba kayo titingin sa salamin at titignan ang sarili niyo? hay, buhay....

hala, 530 na hanggang ngayon wala pa rin akong nasisimulang topic... mmm... mahaba na rin pala nasulat ko, puro panimula wala namang mga arguments... siguro yun na lang muna, preview lang nga siguro ng mga gusto kong idiscuss in the near future (pero sa totoo lng, tinype ko lng lahat ng pumasok sa utak ko, di ko plano na ganito kalalabasan nito ) ayun tama DotA pa pala, malamang lang didiscuss ko din yan hehehe... ano pa ba? (nagugutom na ako.... gusto ko na kumain...) ano nga kaya magandang style sa pagsusulat? dapat meron akong sariling style para astig! bago ko malimutan, papalitan ko pala yung vids every now and then, wala lang depende sa trip.... bahala na... sige yun lang muna... sana medyo may napala kayo sa pagbasa nito at sana bumalik pa kayo ulit para magbasa ng mga idea... yun lang...




Monday, April 17, 2006

try kong buhayin ulit ito...

wala ako magawa eh... di naman ako inaantok... so pinaglaruan ko yung youtube.com at kita niyo naman ang resulta dba? wolfgang arise.... astig! yun lng muna... mwahahaha!