Thursday, July 14, 2005

no new posts today

naging busy sa bagong forums... kaya wala muna ngayon... hindi pa nga ako kumakain eh... kain muna ako... bisita kayo dun... masaya madami tao... at sana dumami pa! d2 yun -> here

cge im out....

Thursday, July 07, 2005

naalala ko na....

some breaking news today.... note, opinion ko ito kaya wala kayong magagawa kundi basahin lng.... you can comment pero ok lng hehehe...

1. london (bridge) went down: apparently nabomba rin ang london ng alqueda terror group in 6 different occasions... 5 ata sa train stations at isa sa isang double decker na bus... syempre nagalala kami dahil ang ate namin nasa london, pero ok naman daw sya nakatawag naman d2 agad at nainform kami na ok naman daw siya...

thoughts: pakana ng us yan! (obvious ba na american hater ako) naghahanap sila ng kakampi laban sa "terror" upang makontrol nila ang now fast depleting oil resources sa middle east... alam nyo bang nasa peak oil na tayo?! ayon kay hubbart peak, ngayon na ang time na ang oil production ay nasa peak na ng bell curve... at inaasahang sa 2050 mauubos na ang ating petroleum at wala ng magagamit ang buong mundo... kaya ano ang gngwa ng us? syempre kunin na nila lahat yan para may magamit sila (ie mabenta sa developing countries at gamitin sa pagteterrorize ng ibang bansa!)

2. alex pagulayan tinalo ng hungarian: well, mukahang kabado pa ang bata natin at nalaglag na siya sa fianl 32 ng world pool championship sa taiwan. 10 - 8 ang score in favor dun sa hungarian national. sayang lang madaming mali ung kalaban pero mas maraming naging mali ang defending champion. kaya ayun! laglag! at take note, hindi lng sya ang nalaglag, tanggal na rin si reyes, django, at luat. ag natitira na lng as of the moment ay si manalo... kung makalusot amn si manalo sa laban nya ngayon, ang kalaban nyang next ay si immonen ata kya medjo malabo na yun. on the lighter side wala na si strickland! natangal na ung mayabang sa final 64 pa lng! lol! wala na ngang amerikanong natitira eh! hahaha!

thoughts: hahaha! go manalo kayang kaya mo yan! bwahahaha! magdiwang at wala ang mayabang na si strickland! hahaha!

3. brock lesnar babalik na sa wwe: may meeting ata si vince macmahon bukas ska si brock at paguusapan ang pagbalik nya sa wwe! last na nakita sa ring si brock noong wm20 against kay goldberg na wala na rin ngayon,. hopefully, magkasundo na ang dalawa at bumalik na si brock upang lalo pang maging maganda ang wwe! umalis dati si brock dahil hindi nya raw kaya ung lagi na lang nagtratravel, eh ayon naman sa kanya ngayon, nagmature na daw siya at mukhang kakayanin nya na ngayon ito! kasama ng balitang ito ang pagrelease ng ilang mga superstars sa wwe, nakakalungkot lng at ang iba rito ay sobrang deserving na magstay pero tinangal pa rin ni macmahon! tsk tsk tsk...

thoughts: pagnagbalik talaga si brock sa SD! siguradong una nyang haharapin si batista! at sana manalo sya dun! at sana rin lumpuhin nya na si jbl ng matahimik na!

4.morning musume conert 2005 + aya matsuura spring concert 2005: ayos! may bago nanamang concert hehehe! tpos na ung pagdl ng aya pero ung momusu mamaya ko pa kunin walang seeder eh... mukahang ok naman ung concert ni aya, medjo napanood ko na ung unang part, ung quality normal lng din, hindi siya dvd quality na katulad ng mga vob pero ok naman, medjo malinaw na!

thoughts: hoy yomz allain! sana kunin nyo na itong mga ito! wala na akong disk space! maawa na kayo!

un lng muna for today! wala na akong maisip... im out...

Wednesday, July 06, 2005

naruto movie review....

at last, napanood ko na rin ang movie ng naruto! ha! may lamang na ako sa inyong lahat! hmm, hindi ko alam kung pano sisimulan tong review na ito, basta type ko na lng kung anong pumasok sa utak ko...

title: the big mission to rescue the snow princess
as expected sa isang episode ng naruto, give away lagi ang title... need to say more?

characters:mmm... syempre si naruto, sasuke, kakashi, sakura, ung snow princess (may pangalan sya nakalimutan ko lng) ung kalaban si dotou plus ung 3 nyang walang kwentang ninja (wala talagang kwenta, ni hindi man lang binanggit mga pangalan nila), mangilangngilang extra na pumapapel na isang movie crew... bkit kanyo may movie crew?

story: may movie crew kasi ung princess (fuun ung character name, yukie ung screen name, koyuki sa totoong buhay) artista sya sa simula. tapos mission nila naruto na protektahan sya dun sa susunod na location ng shooting nila, sa snow country... eh biglang may tinatagong lihim pla itong princess na ito ayun, nagpangabot ang labanan sa snow country. ang sikreto ni princess? well isa syang totoong princess, anak sya ng hari ng country na yun (mmm may mga hari pala ang mga shinobi countries, malakas kaya ung mga yun? eh ano kaya ang mga kage kung may hari pa?). ngayon tito nya si dotou, nagrevolt pinatalsik ang kapatid nya kasi gahaman siya (ano pa nga ba?) sinunog ung castle akala ng mga tao dun namatay pati si princess, un pala mission ni kakashi noong anbu pa sya na iligtas sila kaya nadala niya si princess sa fire country. ayun kaya pamilyar si kakashi kina dotou at ska sa mga tauhan niya... tpos blah blah blah... alam na natin kasunod, gulpi ang kalaban, panalo si naruto, naging princess ulit si princess end of story.

notable points:
1.well, naliwanagan ako tungkol dun sa laro (narutimate hero 2) yun pala si dotou at ung ninja na walang kwenta...
2.d2 rin pla unang lumabas ang anbu kakashi, kaya pla andun din sya sa laro...
3.may ninja armor na ginawa sina dotou na humihigop din ng chakra, parang ung espada ni kisame ng akatsuki....
4.hindi ako sure kung kelan sa storya nangyari to, kasi nagrasengan na d2 si naruto, eh alam naman nating lahat na unang nakita ni sasuke ang rasengan nung naglaban sila sa rooftop, so safe na iassume na before pa ito ng abduction kay sasuke...
5.2x ginamit ni kakashi ung jutsu ni zabusa d2 na water dragon, ewan ko kung bakit madami namang pwedeng gayahin bakit un pa....
6.nagdouble chidori dito si sasuke, meaning kaliwa at kanang kamay, kaya siguro nawalan siya ng malay at hindi nakita ang rasengan ni naruto (na lagi namang nangyayari)
7.wala pa ring kwenta si sakura...

ayun, sa mga interesado panoorin ung movie (alam kung marami dyan) order kayo ng cd hehehe! sa mga taong alam na ang gagawin, alam na nila yun...

im out....

Tuesday, July 05, 2005

oh my god....

sa mga walang pakialam sa wrestling... wala rin akong pakialam sa inyo! pero ito na ang pinakahihintay ng lahat...shawn michaels heel na!

ano ung heel? well sa wwe kasi 2 klase ang wrestler, isang face at isang heel. ung face ung bida sa storyline (john cena, batista) at ung heel naman mga kalaban sa storya (triple h, kurt angle) . at sobrang nakakagulat! hindi ako makapaniwala, na sweet chin music ni shawn michaels si hulk hogan!

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Image hosted by Photobucket.com

ngayong isang tambak na silang heel sa raw pagkatapos ng naganap na draft lottery, malamang lang ibabalance nila ito ng mga magbabagong buhay at magiging mga baby face....

sana naman pabalik ni triple h face na siya, nakakasawa na ung lagi na lang siyang binoboo ng mga tao dahil sa kaswapangan niya.... silang 2 ni ric flair dapat face na putsa! sana talaga sana talaga pls....

wala na akong masabi ito na ang biggest event sa wwe ngayong taon... shawn michaels heel na...

at last... we did it!

after 2 hours natapos din ang construction ng blog... salamat kay yomz sa lahat ng tulong! mula sa photobucket, hanggang sa template, sa tag board, sa guestbook, sa mailing lists, links, sa favicon, sa lahat lahat! salamat sa lahat ng tulong....

eto pa mga taong sumasaludo syo....
Image hosted by Photobucket.com

salamat!

random thoughts....

matagal ko na naririnig kung ano itong blog blog na ito eh... pero ngayon ko pa lang natry...
ano nga ba? bat nga ba bigla kong naisipang gumawa nito? siguro kasi kanina napagusapan namin nina je kanina ito na meron daw siyang blog blah blah... na dapat daw tinitignan namin kasi baka daw sinisiraan nya na kami hindi pa rin namin alam...

haaay wala lang... siguro wala lang ako magawa ngayon kaya nahikayat akong gumawa... natapos ko na rin ung final fantasy x (after 2 long months, actually 1 week lng dapat eh kaso nafrustrate ako kay jecht kaya ngayon ko lng natapos sobrang lakas kasi), na sa akin na ung cd ng halo ni kenneth pero tinatamad akong maginstall, wala pang bagong manga ung naruto, hindi ko pa tapos i download ung eps 141 at 142... haaay, ang daming dapat gawin pero tinatamad pa rin ako...

sa ngayon hinihintay ko si yomz magOL ulit... tinatapos nya lng daw ung drawn together sa jacktv.... wala kasi ako masyadong alam sa web development kaya hindi ko alam kung pano to simulan... ang alam ko pa lng magposts sa mga forums, at magupload ng mga images....

ayan OL na si yomz balik na sa construction hehehe



Monday, July 04, 2005

testing testing...

test muna try lng....
Image hosted by Photobucket.com

ayus! salamat yomz sa tulong hehehe...
hindi ko agad naisip ung photobucket...